Pinatunayan ng Colegio ng Lungsod ng Batangas (CLB) ang buhay na kulturang Pilipino nang mag-uwi ng kampeonato sina Janno M. Macalintal at Trexie Noriel G. Cueto at ikalawang pwesto ang CLB Folkloric Dance Company sa ginanap na Patimpalak sa Katutubong Sayaw at Kantahan bilang bahagi ng pagdiriwang ng Pasikatan sa Buwan ng Wika, Agosto 30.
Ipinamalas nina Macalintal at Cueto ang makahulugan at masiglang pag-awit na nagbigay-buhay sa bawat liriko ng kanilang kanta, dahilan ng kanilang pagkakapanalo laban sa iba’t ibang paaralang kalahok.
Hindi rin nagpahuli ang CLB Faculty at Folkloric Dance Company sa kanilang masiglang pag-indak ng Komintang, isang sayaw na ipinagmamalaki ng kulturang Batangueño.
Ang marikit na kumpas ng kanilang mga kamay at paa ay naghatid ng malakas na palakpakan mula sa mga manonood.
Binalot naman ng buong suporta ng mga estudyante ng CLB, sa pangunguna nina G. Lorenz Aaron M. Isla at G. Jeffson Acorda, ang mga kalahok na naging malaking bahagi ng kanilang pagkapanalo.
Ayon sa Cultural Office ng Lungsod, layunin ng patimpalak na ipagmalaki at ipamalas ang husay at puso sa kulturang Pilipino.
Arguments delivered in verse placed Colegio ng Lungsod ng Batangas among the winners of th....
Years of leadership devoted to strengthening Colegio ng Lungsod ng Batangas and advancing ....
What would otherwise end up as discarded pieces of fabric found a new purpose as rugs—an....
The CLB Extension Services is all set for Project UNLAD: Uplifting Communities through ....
We are thrilled to announce that our Brigada Eskwela 2026 Donation Drive for our adopted c....
A stroke of creativity earned Colegio ng Lungsod ng Batangas a double recognition as Mark ....
Representing Colegio ng Lungsod ng Batangas, five student artists from the Artisans Guild ....
Approximately 2,800 students and 600 parents attended the Freshmen and Parents' Orientatio....
CLB Student Action Force for Emergencies (CLB SAFE) emerged as the overall champion in the....
Colegio ng Lungsod ng Batangas, through the SANTELMO CLB Pride Association, celebrated Pri....