Itinanghal na kampeon ang SANTELMO sa paggawa ng booth tampok ang bansang Indonesia, habang nakamit naman ng JMA ang kampeonato sa parehong kategorya sa patimpalak sa kasuotan na dala ang bandila ng bansang Malaysia, sa selebrasyon ng Buwan ng Wika ng Colegio ng Lungsod ng Batangas (CLB) na may temang “Ugnayang Wika at Kultura: Pilipinas at Timog-Silangang Asya” noong Agosto 26–29.
Kasunod ng SANTELMO sa booth-making competition ang Culture and Arts Association (CAA) na ikalawang pwesto at ang JMA sa ikatlong pwesto.
Sa patimpalak sa kasuotan, pumangalawa ang ATLES at pumangatlo ang ARTISANS GUILD—na nagpalitan ng pwesto sa pambabae at panlalaking kategorya.
Bilang bahagi ng programa, ang iba't ibang organisasyon gaya ng YACAP-U, CLIMB, JPIA, JMA, JFINIX, JPMAP, SANTELMO, ARTISANS GUILD, ATLES, CAA, at FES ay nagpamalas rin sa paggawa ng kani-kanilang booth kung saan ipinakita ang kultura, pagkain, magagandang destinasyon, at mga yaman ng iba’t ibang bansa sa Timog-Silangang Asya.
Nagkaroon din ng patimpalak sa kasuotan na inirampa ng mga estudyanteng kumakatawan sa mga bansang napili.
Ang nasabing pagdiriwang ngayong taon ay muling pinangunahan ng Culture and Arts Association (CAA) sa pamumuno ni Ginoong Jeffson Acorda, Tagapayo ng CAA.
Nagtapos ang programa sa pagbibigay ng plake ng pagkilala sa mga organisasyong nakilahok.
Ayon kay Dr. Dolores Borras, VPAA, ang aktibidad ay hindi lamang naging pagdiriwang ng pagkakakilanlang wika, kundi selebrasyon din ng pagkakaisa at pakikisama.
Arguments delivered in verse placed Colegio ng Lungsod ng Batangas among the winners of th....
Years of leadership devoted to strengthening Colegio ng Lungsod ng Batangas and advancing ....
What would otherwise end up as discarded pieces of fabric found a new purpose as rugs—an....
The CLB Extension Services is all set for Project UNLAD: Uplifting Communities through ....
We are thrilled to announce that our Brigada Eskwela 2026 Donation Drive for our adopted c....
A stroke of creativity earned Colegio ng Lungsod ng Batangas a double recognition as Mark ....
Representing Colegio ng Lungsod ng Batangas, five student artists from the Artisans Guild ....
Approximately 2,800 students and 600 parents attended the Freshmen and Parents' Orientatio....
CLB Student Action Force for Emergencies (CLB SAFE) emerged as the overall champion in the....
Colegio ng Lungsod ng Batangas, through the SANTELMO CLB Pride Association, celebrated Pri....